Wednesday, June 11, 2008

chinelas face-off: havaianas vs. spartan

originally from here! enjoy! :D

 

==

 

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)

OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).

Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.


Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato

- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:

Mahal!
Mahal!
Mahal!


Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English),

is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.


Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho

- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko

- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.


Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas

9 comments:

Ea Gabot said...

hahahahaha!! :)

Jam Regis said...

i love this hahahahaha

Patrick Meneses said...

Havaianas pala ah.....
..
..
..
..
WELL THIS... IS... SPARTAN!!!
(Sabay tadyak sa naka-havaianas) XD

princess karess ♥ said...

ergo..

havaianas is/are the persians of chinelas?

HAHAHAHHAHA

RG de Castro said...

this is havaianas...

no....

THIS IS SPARTAN ! ! !

AHU! AHU! AHU!

♥Kitchie♥ Berba ♥ said...

Hahahahahahahahahaha.

yun lang. :D

Cathy ....catz said...

hahahaha.. isa pa "ANG SPARTAN e Malapit sa katotohanan"... saya nito ... ;-)

sarah espina-lehmann said...

hahahahaha! top post. kakasira ko lang 'yung havianas ng kapatid ko. 'yung havana na nabili ko sa boracay, buhay pa.

pwede din namang pampatay-ipis ang havianas. 'yun nga lang, kailangan mong diinan.

Lorie Therese Locara said...

:D