Kani-kanina lang, um-order ako ng Monster Coke Float sa Mcdo. Dahil 12:30 na nun, hindi ko na-realize na MARAMING tao (and MARAMI is an understatement) dahil... tenen! Lunch Break na. Kung ikaw ay katulad ko na nasanay ba naman sa "Lunch Break" na madaling araw dahil sa pagtatrabaho sa "night shift", ewan ko na lang.
So anyway, pumila ako at naghintay sa Monster Coke Float. . .
May kasabay ako sa kabilang pila, mag-ama. Bata pa yung anak na babae, mga 5-6 y/o siguro. Si Tatay, abala sa pag-order. Pero si Little Girl, dedma siya sa gulo sa paligid niya: sa dami ng tao, sa ingay, sa sikip, sa init. Siguro, magiging confusing pa yung sitwasyon sa kanya, cos she was meters shorter than everyone else. Eye-level lang niya ang legs ng lahat.
Pero somehow . . . She was so happy, so content being in the presence of her dad. Everything else seemed big, unfamiliar, and scary in comparison, but that didn't bother her. She was with her dad, and that was all that mattered.
I want to be like that little girl. . . that when everything seems big, unfamiliar, and scary, simply being with my Dad would render all those useless, worthless cares puny, minute, and miniscule.